Kung Ikaw Ay Nakaranas Na Nang Pambubulas, Paano Mo Ito Malampasan

Kung ikaw ay nakaranas na nang pambubulas, paano mo ito malampasan

Sa panahon ngayon, marami sa mga kabataan ang nakararanas ng pambubulas. Paano kaya ito malalampasan?

Maraming mga paraan upang maiwasan at malampasan ang pambubulas. Ngunit para mas maintindihan natin ang mga kasagutan dito, alamin muna natin ang kahulugan ng pambubulas.

Ano ang bullying o pambubulas?

Ito ay isang sinasadya at madalas na malisyosong pagtatangka ng isang tao o pangkat na saktan ang katawan o isipan ng isa o mahigit pang biktima sa paaralan. Matatawag lamang na pambubulas kung ito ay isasagawa ng paulit-ulit o may potensiyal na maulit sa takdang panahon. Ang nambubulas ay siyang nananakit at ang binubulas naman ang biktima.

Para sa mga dagdag impormasyon ukol sa ibig sabihin ng pambubulas, maaaring magpunta sa pahinang ito: brainly.ph/question/921866

Para sa mga dagdag impormasyon ukol sa nambubulas at binubulas, maaaring magpunta sa pahinang ito: brainly.ph/question/1396295

Hindi lamang pisikal na pananakit ang pambubulas o bullying. Mayroong tatlong uri ng pambubulas. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Pasalitang Pambubulas – Ito ay ang pagsasalita o pagsusulat ng masasamang salita laban sa isang tao. Hindi ito marahas ngunit nakaaalarma ang maaaring maidulot nito sa mga batang madalas na nakararanas nito.

2. Sosyal o Relasyonal na Pambubulas – Ito ay may layuning sirain ang reputasyon at ang pakikipag-ugnayan sa ibang tao.

3. Pisikal na Pambubulas – Ito ay ang pisikal na pananakit sa isang indibidwal o pangkat at paninira ng kaniyang mga pag-aari.

Paano malalampasan ang pambubulas?

HIndi ka nag-iisa. Tumingin ka sa iyong paligid at iyong makikita ang mga taong nagmamahal at handang pumrotekta sa iyo. Nariyan ang iyong mga magulang. Sila ang nagpalaki sa iyo at gagawin nila ang lahat upang maging maayos ang iyong buhay. Nandyan din ang iyong mga guro. Sila ang tumatayong pangalawang magulang mo. Hindi ka nila kadugo ngunit may malasakit sila sa kapakanan mo. Hingin mo ang tulong nila at siguradong makakamit mo ang nararapat sa iyo. Maaari mong sabihan ang iyong mga matalik na kaibigan ng iyong mga hinanakit o nararamdaman. Ngunit, mas mainam na hayaan mong ang mga nakakatanda ang kumilos para sa iyong kabutihan. Mas alam nila kung ano ang tamang proseso para maging maayos ang iyong kalagayan.

Para sa mga dagdag impormasyon ukol sa kung paano ito malalampasan, maaaring magpunta sa pahinang ito: brainly.ph/question/289161


Comments

Popular posts from this blog

What Us The Greatest Contribution Of Plants To Living Things On Earth?

Why Manila Is Historical

What May Be Said About The Identity Of Filipinos As Asians Based On The Answers To The Previous Question?