Maikling Tula Tungkol Sa Kapayapaan
Maikling tula tungkol sa kapayapaan
kay tagal ko ng naglalakbay
paikot ikot
di wari
kung saan ang tamang tungo
dulot ng matinding ngalay
ang aking mga nagbubutil na pawis
patuloy na dumadaloy sa aking pisngi
ngunit tila ang aking mga panunuyo ay iyong pinagsasawalang bahala
tuwing sasapit ang dapit hapon
tumatanaw ako sa mga ulap at tala
aking minimithi at pinakahihiling kay Bathala
ay iyong makamit ang kaligayahan at kalayaan
pagkat lubos kitang iniibig
nais kong pakawalan at ipasantabi
ang aking makasariling damdamin
Comments
Post a Comment