Pangako Bilang Isang Responsableng Lalaki
Pangako bilang isang responsableng lalaki
Marami ang nagsasabi na ang tunay na lalaki ay malakas, matso, gwapo, medyo maloko, maraming naging girlfriend at popular. Pero nasusukat ba sa mga kangiang ito ang PAGIGING RESPONSABLE NG ISANG LALAKI SA KANIYANG MGA PANGAKO? Marami ang nagsasabi na hindi. Syempre alam ntin na ang mga nabanggit na katangian ay panlabas lamang. At alam natin na ang higit na kailangan sa pagiging responsable ay ang panloob na mga katangian ng isang tao.
MGA PANGAKO NG ISANG RESPONSABLENG LALAKI
1.) MAY ISANG SALITA. Kapag may isa kang salita mabilis kang pagkakatiwalaan ng iba. Halimbawa, kung nagset kayo ng lakad dapat na tumutupad ka sa usapan at kung hindi mo magawa iyon magsabi ng makatuwirang dahilan.
2.) MAGSALITA NG MAY KATAPATAN. Kung gagawin mo ito magiging matibay ang pagtitiwala sa iyo ng iba at mas magpakita sila ng pabor at kabaitan sa iyo.
3.) MAGKAROON NG TAMANG PAGPAPASYA. Dapat may roon kang paninindigan sa kung ano ang tamang gawin. Hindi basta nakikinig na lang sa sinasabi ng iba o nagpapadala sa pressure ng kasama.
Tandaan, hindi laging madali ang magpakita ng pagiging responsable sa iyong mga pangako bilang isang lalaki. Pero kung sisikapin mo na gawin ang mga nabanggit matutulungan ka nito na maging ganoon nga.
Comments
Post a Comment