Ano Anong Pangyayari Ang Itinakda Ng Diyos At Walang Magagawa Ang Tao? Mag Bigay Ng Limang Halimbawa
ano anong pangyayari ang itinakda ng diyos at walang magagawa ang tao? mag bigay ng limang halimbawa
Answer:
Halimbawa ng pangyayari na itinakda ng Diyos at walang magagawa ang tao
- kalamidad o sakuna
- kamatayan
Ang kalamidad o sakuna at kamatayan ang halimbawa ng dalawang pangyayaring itinakda ng Diyos at walang sinumang tao ang makakapigil o makagagawa nito.
Kalamidad o sakuna
Ang kalamidad o sakuna ay itinakda na ng Diyos na mangyari na nararanasan natin sa kasalukuyan. Halimbawa nito ay mga bagyo, lindol, tsunami, pagbaha, pagguho ng mga lupa, pagputok ng bundok o bulkan at marami pang iba. Ito ay mga pangyayaring hindi natin maiiwasan dahil ito ay nakatakda ng mangyari na dulot ng maraming kadahilanan at isang mabigat na dahilan ay gawa ng tao kaya nararanasan natin ang mga ganitong uri ng kalamidad. Walang sinuman ang may kakayahang pumigil dito, mahirap man o mayaman, makapangyarihan man o simpleng mamamayan wala tayong magagawa dahil ito ay banta na ng kalikasan dahil sa ating kapabayaan na aalaagan at mahalin ito.
Kamatayan
Ang kamatayan ang hindi talaga natin maiiwasan, dahil ito na ang nakatakda para sa ating lahat. Lahat ng tao may hangganan ang buhay at walang sinuman ang makakapigil at makakaiwas nito dahil itinakda na ito ng Diyos para sa ating lahat. Sabi nga, ang Diyos ang lumikha sa atin at nagbigay buhay kaya siya lang din ang may kakayahang bumawi nito.
Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa link na:
10 pangungusap tungkol sa pananampalataya sa Diyos: brainly.ph/question/2164574
#LetsStudy
Comments
Post a Comment